^

Probinsiya

Lider ng drug group timbog sa P5.8 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad matapos masakote ang hinihinalang lider ng isang drug group habang umaabot naman sa P5.8 milyong halaga ng shabu ang nakum­piska sa ikinasang operasyon sa Brgy. Telbang, Bayambang, Pangasinan kamakalawa.

Sa inisyal na report ng Ilocos Norte Police Regional Office, ang suspect na si alyas “Nakila”, 47-anyos ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest at search warrant na inisyu ng kote laban dito. Nakumpiska sa kanya ang may 860 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P5.8 milyon.

Ang suspect ay regional top priority target at lider ng Alikan Drug Group na nago-operate sa lalawigan at iba pang bahagi ng Region 1.

Nabatid na ang grupo ni Nakila ay matagal nang isinasailalim sa surveillance operation ng mga awtoridad kaugnay ng report  na sangkot ang mga ito sa talamak na pagtutulak ng droga.

Samantalang matapos na maberipikang positibo ang impormasyon ay agad na ikinasa ang dragnet operation na nagresulta sa pagkakabitag sa suspect.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa mga kasamahan ng suspect sa nasabing drug group.

Ang naarestong suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with