5 bebot na ‘tulak’ timbog sa P680K shabu

COTABATO CITY, Philippines — Limang babae na hinihinalang drug delaers ang arestado matapos silang masamsaman ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P680,000 na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Bagua 2, dito sa lungsod nitong Biyernes. 

Kinumpirma nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang mga suspects na sina Salama Dimalen, Jasmin Dimalen, Mali Ukas, Iran Ukas at Baican Omar, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2004. 

Sila ay agad na inaresto ng PDEA-BARMM agents na kanilang nabentahan ng P680,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Mabini Street sa Bagua 3, Cotabato City. 

Ayon kay Castro, naisagawa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Show comments