Marcos, nanguna sa pagbubukas ng pinakamahabang tulay sa Mindanao
MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng itinuturing na pinakamahabang tulay sa Mindanao.
Kasama ng Pangulo sa inagurasyon ng Panguil Bay Bridge Project (PBBP) na may habang 3.17-kilometer si Department of Public Works and Highways (DPWH), Secretary Manuel Bonoan at Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa.
Ang nasabing tulay ang pinakamahabang tulay sa Mindanao na tumatawid sa dagat kung saan nagkakahalaga ito ng P8.026 bilyon, ay naisakatuparan sa ilalim ng isang loan agreement na pinirmahan noong 2016 sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank-Economic Development Cooperation Fund (KEDCF) sa ilalim ng Loan Agreement No. PHL-18.
Gumamit ang proyekto ng makabagong teknolohiya mula sa Korea, kabilang ang reverse circulation drilling at thick permanent steel casings. Mayroon itong 54 board piles para sa 32 piers, na tinitiyak ang matatag na pundasyon para sa 2-lane, 2-way traffic na may carriageway width na 13 meters.
Dahil sa nasabing tulay, inaasahan na bababa na ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte mula sa dalawa hanggang dalawa’t kalahating oras na biyahe sa Roro vessels.
Dumalo rin sa seremonya sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, KEXIM Bank Director General Cho In-Kyo, Lanao del Norte Governor Imelda Q. Dimaporo, Misamis Occidental Governor Henry S. Oaminal, at iba pang mga opisyal.
- Latest