REAL, Quezon, Philippines — Patay ang isang pahinante habang sugatan ang kasama niyang driver ng sinasakyang delivery van matapos bumangga sa isang puno sa gilid ng highway sa Barangay Capalong ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jerome, 25, binata at residente ng Daet, Camarines Norte habang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto District Hospital ang driver na si Pablito, 48, may live in partner ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon ng Real Police, minamaneho ni Pablito ang isang L-300 closed van na pag-aari ng Protege’ Logistics Philippines at tinatahak ang national road patungong Infanta, Quezon upang i-deliver ang mga fast food supplies nang mawalan siya ng kontrol sa manibela dakong alas-5:00 ng umaga.
Nang kabigin ni Pablito ang manibela pakanan ay dire-diretso itong bumangga sa puno ng mangga na naging sanhi ng malubhang pagkakasugat ng pahinante na kinalaunan ay ikinamatay nito habang sugatan ang nasabing driver.