Opisina sa Iloilo LGU nilooban, 5 minor na kawatan arestado
MANILA, Philippines — Kalaboso ang limang menor-de-edad na kawatan matapos nilang pasukin at pagnakawan ang tanggapan ng Public Order and Safety Management Office ng pamahalaang lungsod ng Iloilo.
Sa report ng Iloilo City Police Office (ICPO), ang limang suspek ay kinabibilangan ng isang 15-anyos, isang 13-anyos, isang 11-anyos at dalawang 9-taong gulang lamang.
Nai-report lamang ang insidente sa pagpasok ng mga empleyado nitong Lunes.
Nakita rin sa kuha ng CCTV ang ginawang pagnanakaw ng mga batang suspek.
Agad namang naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang mga suspek na itinurn-over na sa Iloilo City Social Welfare and Development Office.
- Latest