Terorista nagsuko ng baril, 2 grenade launcher kapalit ng bigas, groceries at P5K cash

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Counter Terrorist Group (CTG) na CPP-NPA ang sumuko sa mga awtoridad para sa pagbabagong buhay, sa Rizal, Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Rizal Provincial Mobile Force Company, si alyas “Ka Totoy”, ng Tinucan Tanay, Rizal,  ay nagsuko ng kaniyang armas na isang kalibre .38 baril at dalawang piraso ng grenade launcher 40mm ammunition sa pangakong tatalikod na sa Samahan.

Bandang alas-4:30 ng hapon ng Setymbre 23, 2024 nang boluntaryong nakipagkita sa  KM 50 Manila East Road, Baras, Rizal  sa mga operatiba ng RPMFC, na inalalayan ng  Baras Municipal Police Station at Police Investigation Unit, Rizal Provincial Police Office, kasama ang Northern Police District-District Special Operation Unit, Regional Investigation Division -Regional Special Operations Unit 4A, Philippine Arm1y  at iba pa.

Ang nabanggit na CTG personality ay nakatanggap ng isang  sako ng  (25 kilo) bigas, initial cash assistance na P5,000 at grocery packs na nagkakahalaga ng P 2,500.00 mula sa operating unit.

Show comments