MANILA, Philippines — Tumanggap si Philippine Star, Pilipino Star Ngayon (PSN) correspondent at columnist Artemio Dumlao mula kay Baguio Tourism Council (BTC) Gladys Vergara ang “certificate of recognition” para sa 25-taon na natatanging kontribusyon at serbisyo nito bilang miyembro ng media sa Baguio City at bilang pagkilala sa ipinamalas na pinakamataas na pamantayan ng pamamahayag at sa aktibong pagsuporta sa promosyon ng tursino sa Baguio City.
Nakakuha rin ng kaparehong award si Philippine Star photojournalist Andy Zapata nitong Lunes sa ginanap na BTC Stakeholders Assembly nitong Lunes sa Baguio Convention Center.
Kabilang sa sumaksi sa paggawad ng parangal sina Baguio City Councilors Lilia Fariñas, Betty Lourdes Tabanda, Thom Picaña, president ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) at multi-awarded filmmaker Ferdie Balanag.