Lalaki tepok sa suntok ng kaalitan!

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang mamataan ng ilang bystander sa lugar ang biktima at suspek na nagtatalo sa tapat ng isang kilalang bank na nauwi sa suntukan sa naturang lugar.

CAVITE, Philippines — Nauwi sa suntukan ang mainitang pagtatalo ng isang lalaki at ‘di kilalang kaalitan na sanhi ng kamatayan ng isa sa kanila sa tapat ng isang bangko, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, sa Brgy. Zone 4, Dasmariñas City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nadala pa sa pagamutan at idinekla­rang dead-on-the spot ang biktimang si Alejandro Pahoyo, nasa hustong gulang habang naaresto rin agad ang kasuntukang suspek na kinilala sa alyas na “Arnel”.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang mamataan ng ilang bystander sa lugar ang biktima at suspek na nagtatalo sa tapat ng isang kilalang bank na nauwi sa suntukan sa naturang lugar.

Naging agresibo ang dalawa sa palitan ng suntok hanggang sa sila ay mapunta sa madilim na bahagi ng excess lot nang nasabing bangko saka muling itinuloy ng dalawa ang kanilang sapakan at bugbugan.

Ilang sandili lang ay nakita na lamang ng pinsan ang biktima na nakahandusay na sa madilim na bahagi sa gilid ng bangko at wala nang buhay.

Agad namang naaresto ng mga alertong pulis ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

Show comments