Magkaibigan sumalpok sa poste, patay!

Nakayakap pa ang isang binata sa kanyang kaibigan matapos silang bumangga sa isang poste habang lulan ng motorskilo na kanilang agarang ikinamatay sa San Rafael, Noveleta, Cavite kahapon ng madaling araw.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Patay ang makaibigang binata makaraang sumalpok sa poste sa gilid ng kalsada ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa Brgy. San Rafael 4, bayan ng Noveleta, dito sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang magkaibigan na kinilalang sina Mark John Mendoza, 24 anyos at John Martin Francisco, 20-anyos kapwa residente ng Brgy Ligtong III Rosario Cavite.

Sa ulat ng pulisya, ­ala-­1 ng madaling araw habang magkaangkas ang mga biktima at bumabagtas sa nasabing lugar patungo ng Ca­vite City at may kabilisan umano ang takbo nang tuluy-tuloy silang bumangga sa malaking poste sa gilid ng kalsada.

Sa tindi ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang motorsiklo habang tumalsik ang dalawa na halos magkayakap na lumagapak sa lupa dahilan ng tinamo nilang matinding mga pinsala sa katawan na kanilang agarang ikinamatay.

Inaalam pa ng pulisya kung mga nakainom ang mga ito nang maganap ang insidente.

Show comments