Angkas rider timbog sa baril, droga sa checkpoint

CAVITE , Philippines — Isang Ang­kas rider ang nakorner kasunod ng habulan nang kanyang pakitaan ng baril at takasan ang mga awtoridad na nagsasagawa ng “Oplan Sita” sa isang checkpoint sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Ca­vite, kahapon ng madaling araw .

Bukod sa armas, nakumpiskahan din umano ng droga ang suspek na si alyas Jonathan, 45-anyos, residente ng Brgy. San Juan 1, Gen Trias City, Cavite

Sa ulat ng pulisya, alas-12:50  ng madaling araw habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga personnel Sector 1 ng Tanza Police kasama ang mga barangay official nang kanilang masabat sa checkpoint ang suspek. Sinita siya ng mga barangay official hinggil sa walang plaka ang gamit nitong pu­ting Honda PCX motorcycle  subalit sa halip na makipag-usap, naglabas umano ng maiksing ba­ril ang suspek at mabilis na humarurot patakas.

Dito na nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at mga pulis hanggang sa makorner ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isag .45 Taurus pistol na may  serial number NCS90074 at tatlong bala ng kalibre .45, isang sling bag na naglalaman ng motorcycle manual at itim na pouch bag na may 8-plastic sachet umano na naglalaman ng shabu na aabot sa 10 gramo at may halagang P68,000.

Show comments