^

Probinsiya

38 armas pandigma isinuko sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
38 armas pandigma isinuko sa Maguindanao
Nasa kustodya na ng 33rd Infantry Battalion ang mga armas na isinuko ng mga residente ng limang bayan sa Maguindanao del Sur.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines —  Karagdagang 38 pa na baril at mga armas pandigma ang boluntaryong isinuko sa 33rd Infantry Battalion nitong Biyernes ng mga residente ng iba’t ibang bayan sa Maguin­danao del Sur bilang suporta sa disarmament campaign sa probinsya ng Philippine Army.

Iniulat nitong Linggo ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, pormal na iprinisinta ng mga may-ari ang mga armas sa isang seremonya sa headquarters ng 33rd IB sa Barangay Zapakan sa Radjah Buayan na dinaluhan ng mga local executives sa naturang bayan at mula sa Shariff Aguak, Datu Abdullah Sangki, Sultan sa Barongis at Mamasapano at ni Brig. Gen. Oriel Pangcog, commander ng 601st Infantry Brigade.

Ang mga baril na isinuko ng mga residente ay kinabibilangan ng B40 anti-tank launchers, M203 grenade launchers, M79 grenade launchers, isang .30 caliber Carbine, .38 caliber revolvers, 9 millimeter Uzi machine pistols, .45 caliber pistols, 9 millimeter KG9 submachineguns, Ingram machine pistols, 12 gauge shotguns at tatlong 60 millimeter mortars.

Isinuko ng mga may-ari ang naturang mga baril bilang pagkilala sa mga layunin ng Mobile Community Support Sustainment Program ng 33rd IB na naglalayong mapalawig ang kapayapaan sa mga lugar na sakop nito sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga tinatawag na loose firearms, pag-areglo ng mga “rido” o away ng mga angkan, at mga multi-sector peace dialogues sa mga barangay na may mga problemang pang-seguridad.

Sa tala, abot na sa 1,349 ang iba’t ibang uri ng mga baril, kabilang na ang mga M16 at M14 assault rifles, M60 machineguns at mga 81 at 60 millimeter mortars na isinuko, mula 2023, ng mga may-ari sa ibat-ibang battalions na sakop ng 6th ID na nakakalat sa mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani. 

ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with