Digitalization program sa Quezon inilunsad

LUCENA CITY, Philippines — Inilunsad ang “Paleng-QR PH Plus at PalengQue Digitalization Program” na naisakatuparan sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Bangko Sentral ng Pilpinas, at Department of Information and Communications Technology (DICT), sa Quezon Convention Center, dito sa lungsod nitong Biyernes.

Ang Paleng-QR PH Plus ay isang paraan ng cashless at online payment na magagamit ng mga konsyumer sa pamamagitan at pakiki­pagbalikatan ng iba’t ibang Telecommunications and Financial Service Provi­ders gaya ng Maya Philip­pines, SMART, TNT, PLDT, GCash, Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), Que­zon Capital Rural Bank (QCRB), at Coo­perative Bank of Quezon Province (CBQP).

Sa tulong ng DICT, ang PalengQue Digitalization Program ang magsisilbing daan upang maging posible ang Paleng-QR PH Plus para sa libreng internet wifi access sa publiko.

Layon ng proyektong ito na mas mapabilis, at mapadali ang pagbaba­yad ng mga konsyumer sa mga public markets, community shops, at local transportation gaya ng jeepneys at tricycles na isasakatuparan muna sa sampung (10) bayan sa lalawigan at kalaunan ay sa buong Quezon.

Inihayag ni Governor Doktora Helen Tan na isang milestone ang pag­lulunsad ng nasabing proyekto, sapagkat ang lalawigan ng Quezon ang pinakaunang implementer nito sa Southern Luzon.

Show comments