P1.4 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa babaeng dealer

Nakakulong na ang shabu dealer na si Ruby Mapute Gerona, nabilhan ng P1.4 million na halaga ng shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Guinsiliban, Camiguin nitong Miyerkules.

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P1.4 milyon na halaga ng shabu sa isang 40-anyos na babaeng dealer na na-entrap sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban, Camiguin nitong Miyerkules.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong Sabado, hindi na pumalag pa si Ruby Mapute Gerona ng ­arestuhin ng magka­sanib na PDEA agents mula sa Regions 13 at 10 matapos silang bentahan ng 220 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.4 milyon, sa isang entrapment operation sa kanyang tahanan mismo sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban.

Naisagawa ng PDEA officials sa da­lawang rehiyon ang naturang matagumpay na entrapment operation batay sa mga tip ng mga kakilala ni Gerona na alam ang kanyang malakihang pagbebenta ng shabu.

Ayon sa mga PDEA officials, suportado ng Guinsiliban Municipal Police Station at ng Camiguin Provincial Police Office ang entrapment operation na nagresulta sa pagkum­piska ng P1.4 mil­yon na halaga ng shabu mula kay Gerona na nakakulong na at nahaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments