Ginang patay sa ambush

Sa ulat ng Sulop Municipal Police Station, naganap ang krimen alas-6:00 ng umaga sa diversion road, Purok 7 ng naturang barangay.

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi nang siya ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek pagkatapos ihatid nito ang anak sa paaralan kahapon ng umaga sa Sulop, Davao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Mary Joy Hepiga Suarez, 29, residente ng Barangay 7, Sulop, Davao del Sur.

Sa ulat ng Sulop Municipal Police Station, naganap ang krimen alas-6:00 ng umaga sa diversion road, Purok 7 ng naturang barangay.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang tahanan pagkatapos ihatid sa Sulop National High School ang kanyang anak.

Pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang itong hinarang ng dalawang suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Show comments