Magpinsang paslit, nalunod sa lawa

Satellite image ng Binangonan, Rizal mula sa kalawakan

MANILA, Philippines — Isang magpinsang paslit ang namatay nang malunod sa lawa sa Binangonan, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas ‘Reanna,’ 11, special child, at alyas ‘Miracle,’ 6, kapwa residente ng Brgy. Ginoong Sanay, sa Binangonan.

Sa inisyal na ulat ng Binangonan Municipal Police Station na dakong alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Sapa, sa Brgy. Ginoong Sanay, Bina­ngonan, na isang island barangay.

Ayon sa ama ni ­Reanna, bago ang insidente ay nagtungo ang magpinsan sa lawa upang maglaro.

Nagulat na lang aniya sila nang ibalita sa kanila ng mga kapitbahay na nalunod na pala ang magpinsan.

Sinagip ang mga pas­lit at isinugod sa Margarito Duavit Memorial Hospital ngunit nasawi rin.

Show comments