Engineer, kasama sa trabaho nalunod sa ilog

MANILA, Philippines — Narekober ng mga otoridad sa Angat river ang bangkay ng isang 38-anyos na engineer at kasamahan sa trabaho na tinangay ng rumaragasang agos nitong hapon ng September 18.

Kinilala ang biktima na si Roxan Limus, at 24-anyos na survey aid kapwa empleyado ng construction company na nagsasagawa ng survey at water level monitoring activities.

Ayon sa report, ang unang biktima ay na­rekober ng search and rescue teams,alas-12:50 ng tanghali sa Angat river sakop ng Brgy. Makinabang, Baliwag.

Nalamang bandang alas-3:50 ng hapon ay natagpuan din nila ang isa pang biktima sa Angat river sakop ng Brgy.Cambaog, Bustos.

Sinasabing ang engineer at ang kasamahan ay gumaganap sa kanilang tungkulin nang tangayin nang rumaragasang agos sa ilog sakop ng Brgy. Makinabang, Baliwag nitong September 17.

Show comments