^

Probinsiya

Malaysian national at driver nabiktima ng ‘Bangga Kotse’Gang

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang insidente ng “bangga kotse” ang naiulat sa nang biktimahin ang driver at amo nitong Malaysian national, kamakalawa sa kahabaan ng Covelandia Road,Brgy. Bisita Balsahan, Kawit, Cavite.

Natangayan ng pera ang mga biktima na kinilalang sina Jerry Leon, Malaysian national at driver nitong si John Cristian Gutierrez.

Mabilis tumakas ang 4 na armadong kalalakihan matapos tangayin ang pera ng mga biktima na sakay ng 2 motor.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:40 ng umaga ng maganap ang insidente ay sakay ang mga biktima ng Toyota Alphard na may plate number DAO 9381 at bumabagtas sa nasabing lugar nang banggain ito ng isang motor.

Tumigil ang kotse ng mga biktima upang alamin at komprontahin ang bumangga sa mga ito, subalit hindi pa man nakakababa ang driver ay nilapitan na ito ng isa sa mga suspek at tinutukan ng baril.

Habang ang 3 pang suspek ay pumunta sa passenger seat at tinutukan din ang Malaysian national at nagdeklara ng holdap at sapilitang tinangay ang pera.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng 2 motor na 1 PCX MC at 1 puting Scooter.

Ang “bangga kotse” modus ay pangalawa na nangyari sa loob lamang ng 3 araw.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with