3 drug dealer arestado sa buy-bust

Binibilang ng mga otoridad sa harap ng mga naarestong suspek ang nakumpiskang mga droga sa naganap na buy-bust operation sa Lamitan City, Basilan.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong shabu dealers nang salakayin ang kanilang drug den sa Barangay Malinis sa Lamitan City nitong Lunes.

Kinilala ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga suspek na sina Jerry De Leon Macahilos; Ritchie Mojad Reyes; at Marjonie Ali Isa, na kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat, nabilhan ng P34,000 halaga ng shabu ang tatlong suspects sa kanilang drug den sa Purok Fidel sa Barangay Malinis nang magkasanib na PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng Lamitan City Police Station at ng Basilan Provincial Police Office sa isang entrapment operation.

Show comments