Ex-police major, aide-driver na sangkot sa pagkawala ng beauty queen, inaresto

Sina De Castro at Magpantay ay kinulong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Set­yembre 4, 2024 ni Hon. Jacqueline Hernandez Palmes, Presiding judge ng Regional Trial Court, fourth judicial region, branch 3, Batangas City.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang sinibak na police major na si Allan De Castro, 40 at kanyang aide-driver na si Jeffrey Arriola Magpantay, na pangunahing suspek sa pagkawala at ng dating beauty pa­geant candidate na si Catherine Camilon sa Tuy, noong Oktubre 12, 2023, ay inaresto sa Balayan, Batangas.

Sina De Castro at Magpantay ay kinulong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Set­yembre 4, 2024 ni Hon. Jacqueline Hernandez Palmes, Presiding judge ng Regional Trial Court, fourth judicial region, branch 3, Batangas City.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado na nakalista sa Most Wanted Persons bilang rank no. 1 sa ilalim ng regional level sa Calabarzon region.

Inaresto ng mga elemento ng Balayan police operatives sa ­pangunguna ng hepe nito na si Lt. Col. Merlin Pineda si De Castro, at Magpantay, 34, sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas noong Setyembre 14.

Ang dalawa ay sinampahan ng criminal offenses na may kidnapping, serious illegal detention sa Batangas Provincial Prosecutor Office at apat na iba pa noong Nob.13, 2023.

Noong nakaraang Enero, si De Castro ay na-dismiss sa serbisyo ng pulisya matapos niyang magkaroon ng extra-marital affair sa nawawalang beauty queen na si Camilon.

Nakalaya siya sa kustodiya ng pulisya sa Calabarzon police command matapos siyang tanggalin sa serbisyo.

Inamin ni De Castro ang pagkakaroon ng bawal na relasyon sa nawawalang guro ngunit nanatiling itinanggi tungkol sa umano’y pagkakasangkot niya sa pagkawala ni Camilon.

Iniulat na ibinasura ng prosecutor office ng Batangas ang mga reklamong kriminal laban kina De Castro, Magpantay at apat na john does, gayunpaman, agad na naghain ng apela ang CIDG4A para sa pagbasura ng mga reklamong kriminal.

Show comments