MANILA, Philippines — Isang mag-asawang ‘tulak’ ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makuhanan ng nasa P34 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bongabong, Oriental Mindoro.
Tinatayang may timbang na limang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga operatiba mula sa mga suspek na sina Luis Delos Reyes Baes, 45, negosyante at misis na si Lyn Ylagan Baes, 41, isang OFW at kapwa residente ng Sitio Maije, Brgy. Malitbog, Bongabong, Eastern Mindoro.
Lumilitaw na isinagawa ang operasyon dakong alas-11 ng tanghali nitong Lunes sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro ikinasa ang buy-bust operation laban sa mag-asawa.
Nakuha sa mga ito ang mga Chinese tea bag na may label na GUANYINWANG at may bigat na limang kilo, 1 unit Gray Toyota Hilux na may plate number na VAB, 2 cellphones, plastic bag at pasaporte
Nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mag-asawa na ngayon ay nasa kustodiya ng jail facility ng MIMAROPA Regio 4B.