Lalaki na wanted sa kasong mga pagpatay, tiklo

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang isang lalaking wanted sa mga hiwalay na kasong pagpatay ng kapatid, bayaw at ilan pa sa isang operasyon sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Martes.

Sa ulat ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ang naarestong suspek na si Reydan Lisdan Uga, na may anim na bilang na kasong murder sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cotabato City.

Isinilbi ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Kasan Kusain Abdulrakman laban sa suspek na pumatay sa kanyang kapatid, bayaw at apat pinsan dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.

Hindi na nanlaban si Uga sa mga otoridad nang isilbi ang arrest warrant.

Show comments