Pickup salpok sa nakaparadang trailer truck: 1 utas, 2 sugatan

MANILA, Philippines — Isang pasahero ang nasawi at dalawa pa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pickup sa isang nakaparadang trailer truck sa Naga, Cebu.

Sa ulat, sinabing luma­bas sa imbestigasyon na tumilapon ang pasahero na nakaupo noon sa passenger seat na idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Pinalaya kalaunan ang driver ng trailer truck matapos lumabas sa imbestigasyon na nakaparada lamang ang truck sa gilid ng kalsada.

Samantala, posib­leng maharap ang driver ng pickup sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at da­mage to property.

Show comments