^

Probinsiya

Beach resort sa Zamboanga del Sur pinasabog: 2 todas!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Beach resort sa Zamboanga del Sur pinasabog: 2 todas!
Hinigpitan ng awtoridad ang seguridad sa isang beach resort matapos ang naganap na pagsabog mula sa iniwang bomba sa isang motorsiklo na ikinasawi ng dalawang katao sa isang beach resort sa Tukuran, Zamboanga del Sur nitong Martes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal ang agad na namatay sanhi ng pagsabog ng isang uri ng malakas na improvised explosive device (IED) mula sa isang motorsiklong iniwan sa loob ng isang beach resort sa Barangay Lower Bayao sa Tukuran, Zamboanga del Sur nitong Martes ng madaling araw. 

Sa inisyal na ulat na inilabas bago magtanghali nitong Martes, kinumpirma ng Tukuran Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang insidente na naganap sa AJ Resort sa may dalampasigan ng Barangay Lower Bayao, na nagdulot ng matinding tensyon sa mga residente ng naturang barangay.

Sa mga ulat ng iba’t ibang himpilan ng radyo sa Zamboanga del Sur at sa Cotabato City, inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang dalawang nasawi sa pagsabog ng home-made bomb na inilagay sa loob ng utility box ng isang motorsiklong iniwan hindi kalayuan sa isang tindahan sa natu­rang beach resort.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang responsable sa naturang pambobomba.

Ayon kay Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng police Regional Office-9, nagtutulungan ngayon ang Zamboanga del Sur Provincial Police Office at ng 1st Infantry Division ng Philippine Army sa pag-iimbestiga sa pambobomba sa nasabing resort.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with