Bus vs motor: Rider dedo, angkas sugatan

GUMACA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang rider habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang angkas makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na passenger bus sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Rosario sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw. 

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng nasawing rider gayundin ang backrider nito na nasa Gumaca District Hospital. 

Patuloy namang sumasailalim sa imbestigasyon ang tsuper ng Daewoo Truck Bus na pag-aari  ng Raymund Transit na kinilalang si  Alyas Arlan, 50 ng Camarines Sur. 

Ayon sa pulisya, bandang ala-1:58 ng madaling araw ay minamaneho ni Arlan ang nasabing bus patungo sa Bicol Region nang bumulaga sa kanilang harapan ang isang Honda beat motorcycle na kinalululanan ng mga biktima. 

Pinilit na iniwasan ni Arlan ang motorsiklo su­balit sumalpok pa rin sa unahan ng bus na na­ging sanhi ng natinding pinsala na inabot ng mga biktima na ikinamatay ng isa.

Show comments