Mag-asawa nakulong sa nasusunog na bahay, patay

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ro­naly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher.
STAR/File

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Patay ang isang mag-asawa nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Matalava sa lugar na ito nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ro­naly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:40 ng hapon ay nakaamoy si Roger de Guzman, ama ni Ronaly ng nasusunog sa loob ng kusina at kasunod ang malakas na tunog at nagliliyab na pala ang bahay

Hindi nakalabas ng tahanan ang mag-asawa na umano ay kapwa mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kwarto.

Naapula ang apoy pagsapit ng alas-3:28 ng hapon at iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog.

Show comments