Killer ng parak tepok sa shootout

Napuruhan ng ­punglo sa katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Allan Bertillo Sumayao, municipal most wanted person sa bayan ng Tinambac dahil sa mga kaso ng iligal na droga at pamamaslang kasama na ang pagpatay sa isang kasapi ng Tinambac Police noong nakaraang taon sa ginawang buy-bust operation.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bulagta ang itinuturing na most wanted person na killer ng pulis matapos na masukol at makipagbarilan sa mga operatiba na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa pinagtataguan nito sa Brgy. Balaogan, Bula, Camarines Sur.kamakalawa ng mada­ling araw.

Napuruhan ng ­punglo sa katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Allan Bertillo Sumayao, municipal most wanted person sa bayan ng Tinambac dahil sa mga kaso ng iligal na droga at pamamaslang kasama na ang pagpatay sa isang kasapi ng Tinambac Police noong nakaraang taon sa ginawang buy-bust operation.

Sa ulat, alas-2:15 ng madaling araw makaraang makakuha ng impormasyon ang Tinambac Police at Camarines Sur Provincial Police Office sa kinaroonan ni Sumayao sa tulong ng Bula Municipal Police at bisa ng dalawang warrant of arrest ay sinalakay nila ang bahay na pinagtataguan ng wanted criminal. Gayunman, sa halip na sumuko ay pumalag ito at naki­pagbarilan sa mga ope­ratiba dahilan para ito ay masawi.

Show comments