Magsasaka na lasing nahulog sa creek, nalunod

Sa ulat ng pulisya, naiulat pa sa kanilang barangay ang pagkawala ng biktimang kinilalang si Ricky Madrona, 34, magsasaka at residente ng Brgy Limbon, Indang, Cavite.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay na nang ma­diskubre ang isang 34- anyos na mister nang aksidente itong madulas at mahulog sa creek na puno ng tubig, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Limbon, Indang Cavite .

Sa ulat ng pulisya, naiulat pa sa kanilang barangay ang pagkawala ng biktimang kinilalang si Ricky Madrona, 34, magsasaka at residente ng Brgy Limbon, Indang, Cavite.

Sa salaysay ng misis ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:30 ng gabi sa bahay ng mga kapatid nito at nakipag-inuman dahil sa may birthday.

Nagpaalam na itong umuwi, subalit inabot na ng kinabukasan ay hindi pa rin ito nakakauwi kung kaya inireport na ito sa kanilang barangay.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang wala ng buhay ng biktima sa may creek na puno ng tubig.

Show comments