MANILA, Philippines — Umaabot na sa 4,000 pamilya ang apektado ng matinding pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng habagat, ayon sa ulat nitong Lunes.
Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang mga pagbaha na nararanasan sa lungsod ay sanhi ng ilang araw na malalakas na pag-ulan dito kung saan umapaw ang mga ilog.
Dahil dito, pinag-aaralan naman ng pamahalaang lungsod na isailalim sa state of calamity ang kanilang lugar.
Sa mga apektadong katao, nasa 1,980 pamilya naman o katumbas na 8,148 katao ang nanuluyan sa mga evacuation centers sa iba’t ibang Barangay ng lungsod ng Zamboanga.
Nabatid na simula pa noong Setyembre 13 ay naranasan na ang malalakas na pag-ulan bunsod upang magdulot ito ng grabeng mga pagbaha na nagpalubog sa malaking bahagi ng lungsod.