^

Probinsiya

Konsehal ng Cagayan, arestado sa droga

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Konsehal ng Cagayan, arestado sa droga
Si Iguig SB member Emerito “Boyet” Gasmen ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region (PDEA) Region 2, National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley Regional Office agents, Cagayan Provincial Police Office (CPPO) at Tuguegarao City Police, nitong Setyembre 14, 2024 sa Barangay Ajat, Iguig, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Severino De Castro ng RTC Branch 82, Quezon City.
STAR/ File

BAGUIO CITY, Philippines — Isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Iguig sa Cagayan ang inaresto dahil sa kasong droga.

Si Iguig SB member Emerito “Boyet” Gasmen ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region (PDEA) Region 2, National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley Regional Office agents, Cagayan Provincial Police Office (CPPO) at Tuguegarao City Police, nitong Setyembre 14, 2024 sa Barangay Ajat, Iguig, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Severino De Castro ng RTC Branch 82, Quezon City.

Walang iirekomendang piyansa si Judge De Castro sa pansamantalang kalayaan ni Gasmen na nakatakdang humarap sa trial dahil sa paglabag sa Sections 5 and 11, Article II ng Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Gasman na umano’y planong tumakbong mayor sa Iguig sa Mayo 2025 elections ay nasa kustodya ng PDEA Region 2 bago siya i-turnover sa korte ng Quezon City. 

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with