Torso ng babae natagpuan sa Antique

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng babae na walang ulo at mga kamay ang natagpuan sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kahapon ng  umaga sa Antique.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bandang alas-7 umaga kahapon nang natagpuan ang torso Brgy. Aguila, Sebaste, Antique.

Kaagad naman dinala ng mga awtoridad sa Sebaste Community Hospital ang bangkay ng babae.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na may mga kaanak na nawawalang babae. Maaaring maki­pag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang ma­bigyan ng maayos na li­bing.

Show comments