^

Probinsiya

Trader, 5 pa natukoy sa pagpatay sa Navy officer

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Trader, 5 pa natukoy sa pagpatay sa Navy officer
Dalawa sa mga suspek na kinilala lamang sa pangalang alyas “Carlo”, 26, at “Jay”, 29 ay naaresto nang pulisya dahil sa pagpatay sa Navy intelligence officer na si alyas “Silanga”.
STAR/ File

LAGUNA, Philippines — Anim na katao kabilang ang isang may-ari ng construction firm ang natukoy ng mga awtoridad na nasa likod ng pagpatay sa isang mi­yembro ng Philippine Navy na natagpuang sa abandonadong sasakyan sa Sto. Tomas City, Batangas, nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

Dalawa sa mga suspek na kinilala lamang sa pangalang alyas “Carlo”, 26, at “Jay”, 29 ay naaresto nang pulisya dahil sa pagpatay sa Navy intelligence officer na si alyas “Silanga”.

Sina alyas Carlo at Jay ay sakay ng isang inupahang Toyota Vios nang arestuhin ng magkasanib na grupo ng pulisya sa kahabaan ng tollgate ng South Luzon Expressway, nitong Sabado ng alas-7:20 ng gabi.

Itinago naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng construction firm, na umano’y ang utak sa krimen, ang kanyang bodyguard-aide, isang dating New People’s Army rebel na tinuturo bilang gunman, at isang tricycle driver kasama ang isang babae.

Isang nilikhang tracker team operatives ang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga natitirang suspek kabilang ang mastermind.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang “personal” na may kaugnayan sa pangongolekta ng utang bilang motibo sa pagpatay sa nasabing Navy officer. 

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with