^

Probinsiya

2K taga-Albay tumanggap ng tig-P5K mula kay Pangulong Marcos

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Sa selebrasyon ng kanyang kaarawan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa dalawang libong Albayano mula sa mga bayan at lungsod at pangalawang distrito ng Albay ang tumanggap ng tig-P5,000 mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang regalo sa pagdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan, kahapon.

Ang regalo ay idinaan sa pamamagitan ng AKAP o “Ayuda sa Kapos Ang Kita Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ipinagkaloob ng Pangulo sa lahat ng mga kongresista.

Ayon kay Ako Bicol Cong. Raul Angelo “Jil” Bongalon, siya umano at si Cong. Elizaldy Co, pati na ang mga kongresista sa lahat ng congressional district ay binigyan ng tig-P5 milyong pondo mula sa budget ng Office of the President upang ipamigay bilang ayuda sa mga mapipili ng DSWD na benepisyaryo.

Sa Albay ay mula sa mga tricycle drivers at ope­rators, magsasaka, mangingisda at hog raisers ang nabigyan ng ayuda, kahapon.

Maliban pa ito sa inilunsad naman ng National Irrigation Administration regional office at Department of Agriculture na BBM o Bagong Bayaning Magsasaka Rice Program sa iba’t ibang panig ng rehiyon kung saan nagbenta ang naturang mga ahensya ng bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo Stores na 29 piso bawat kilo.

Ayon kay Maria Cleofe Baraero, tagapagsalita ng NIA-5 halos umabot sa apat na libong sako ng bigas ang kanilang ibinenta sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga 4Ps member, mga senior citizen at vulnerable sector. 

Ang mga bigas ay mula rin umano sa mga magsasaka ng rehiyon na pumasok sa contract farming ng gobyerno kung saan nakatanggap bawat isa ng 20 hanggang 30-libong pisong tulong para sa pagbili ng binhi, fertilizer, farm inputs at labor. Nang maani ay binili ng NIA na siyang bigas na ibenenta sa murang halaga sa mga mamamayan.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with