^

Probinsiya

Delivery driver, babae dinukot bago niratrat, 1 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Delivery driver, babae dinukot bago niratrat, 1 patay!
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si John Mark Cruz Samonte, 24-anyos, Food Panda delivery rider, tubong Makati at residente ng Brgy. 124 Tolentino Street, Libertad, Manila, habang inoobserbahan sa ospital ang kasama nitong babae na si Marithe Ashley G.Tila, 21, isang online seller at residente ng E.Rodriguez Street, Malibay, Pasay City.
STAR/File

5 armadong suspek nagpakilalang pulis

CAVITE, Philippines — Patay ang isang delivery rider habang kritikal ang kasama nitong babae matapos silang harangin at tangayin ng limang armadong lalaki na nagpakilalang mga pulis at kalauna’y pinababa sa sasakyan saka pinagbabaril na ikinasawi ng una, sa Brgy. Maduya, Carmona, dito sa lalawigan kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si John Mark Cruz Samonte, 24-anyos, Food Panda delivery rider, tubong Makati at residente ng Brgy. 124 Tolentino Street, Libertad, Manila, habang inoobserbahan sa ospital ang kasama nitong babae na si Marithe Ashley G.Tila, 21, isang online seller at residente ng E.Rodriguez Street, Malibay, Pasay City.

Hindi naman nakilala ang limang armadong suspek na nagpakilala umanong mga pulis, ayon sa nakaligtas na babaeng biktima.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:30 ng gabi nitong Set­yembre 10 nang maganap ang insidente sa tapat ng Water District malapit sa Carmona Public Market sa Brgy. Maduya, Carmona.

Sakay umano ang mga biktima ng itim na Toyota Wigo (ABT 2855) nang bigla silang harangin ng isang itim na Mitsubishi Montero (NCK5430) lulan ang mga suspek.

Mabilis umanong sumakay ang isa sa mga suspek sa sasakyan ng mga biktima saka sila tinangay.

Matapos ang ilang sandali at hindi pa sila gaanong nakalalayo, bigla umanong pinababa ng suspek ang dalawang biktima saka pinagbabaril na bumulagta sa daan.

Agad na sumibat ang mga suspek tangay rin ang sasakyan ng mga biktima.

Kaugnay nito, nakatanggap ng report ang Carmona Police mula sa Tanauan Batangas Police kaugnay sa shooting incident sa Sitio Malipa, Brgy. Malaking Pulo, Tanauan, Batangas, at nadiskubre ito dakong alas-9:40 ng gabi noong Setyembre 10.

Posibleng ang natu­rang grupo ang iisang may gawa sa pamamaril sa dalawang biktima dahil sa natukoy na plate number ng kanilang gamit na sasakyan.

CARMONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with