Rider hinabol ng tandem saka inutas

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang rider nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na tumugis sa kanya habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Tanay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si alyas “Justine”, 22, ng Brgy. Plaza Aldea, Tanay.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station (MPS), dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sampaloc Road, Sitio Waray, Brgy. Plaza Aldea. Habang minamaneho ng biktima ang kanyang Honda motor­cycle sa lugar nang bigla na lang siyang habulin at pagbabarilin ng mga salarin bago mabilis na tumakas.

Mabilis na naisugod ang biktima sa Rizal Provincial Hospital System pero idineklarang dead-on-arrival na ito.

Show comments