CAVITE, Philippines — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya matapos ang naganap na pagdukot ng anim na armadong kalalakihan na pawang may takip sa mukha sa isang Chinese national sa Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring tawag na natatanggap o anumang report ang pamilya ng biktima na kinilalang si Sun Libin, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite.
Nangangalap na rin ng CCTV footage ang pulisya upang matukoy ang mga suspek na pawang nakasuot ng face mask nang dukutin ang biktima.
Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang sinasabing kidnapping sa Acasia St., Brgy. Tabon 1, Kawit, habang pababa ng kaniyang sasakyan ang biktima at pauwi na sana sa apartment na tinutuluyan nito.
Nabatid na agad nilapitan ng mga suspek ang biktima at sakay sapilitang isinakay sa isang Sedan na kotse saka sila sumibat.