Kagawad itinumba ng tandem sa Cebu

Batay sa report, dead on the spot ang biktimang si Antonio Harry Godinez, 57, kagawad ng Barangay Cogon, Cebu.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bogo City, Cebu nitong Sabado ng gabi.

Batay sa report, dead on the spot ang biktimang si Antonio Harry Godinez, 57, kagawad ng Barangay Cogon, Cebu.

Nagtamo ito ng anim na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa imbestigasyon ng Bogo City police, sinasabing sakay ng motorsiklo ang biktima at papauwi sa kaniyang bahay nang harangin ng riding-in-tandem na kapwa naka-face mask.

Dito ay agad na pinagbabaril ang biktima saka mabilis na humarurot patakas ang mga suspek.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen kung saan isa sa mga tinututukan ay ang pagiging kagawad ng biktima.

Show comments