^

Probinsiya

2 patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor
Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa kanilang mga ulo ang mga biktimang sina alyas “Raizel”, may sapat na taong gulang, backrider ng Yamaha Mio motorcycle na minamaneho ng kaibigang si alyas “Abegail” at residente ng Barangay Capalong, at ang driver ng nakabanggaan nilang isa pang Yamaha Mio na si alyas “Rogelio”, 43, ng Barangay Tignoan sa nasabing bayan.
STAR/File

REAL, Quezon, Philippines — Dalawa ang patay at tatlo ang sugatan makaraang magbanggaan ang magkasalubong na motorsiklo sa national road na sakop ng Barangay Poblacion 1 sa bayang ito, kama­kalawa ng umaga. 

Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa kanilang mga ulo ang mga biktimang sina alyas “Raizel”, may sapat na taong gulang, backrider ng Yamaha Mio motorcycle na minamaneho ng kaibigang si alyas “Abegail” at residente ng Barangay Capalong, at ang driver ng nakabanggaan nilang isa pang Yamaha Mio na si alyas “Rogelio”, 43, ng Barangay Tignoan sa nasabing bayan.

Ginagamot naman sa Claro M. Recto District Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Abegail, 20, at ang isa pa niyang angkas na si Kent, binata at ang angkas ng nakabanggaan nilang motorsiklo na si Abelyn, 31, kapwa residente ng Barangay Tignoan, Leal, Quezon.

Ayon sa ulat ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang Yamaha Mio ang kahabaan ng National Highway dakong alas-5:15 ng umaga nang magsalpukan ang mga ito. 

Dahil sa lakas ng banggaan, pare-parehong sumemplang sa kal­ye ang dalawang driver at kanilang mga angkas na nagresulta sa agarang pagkamatay ng dalawa sa kanila. 

Lumalabas na pare-pareho umanong walang suot na helmet ang mga nasangkot sa road crash incident.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with