COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang lalaking Moro matapos silang tambangan habang lulan ng pedicab sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong umaga ng Huwebes.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office, ang mga napatay sa naturang ambush ay kinilalang sina Mheds Baman at Kusain Abdullah; kapwa residente ng bagong tatag na Pahamuddin municipality na sakop ng Bangsamoro region.
Sa ulat ng pulisya, sakay ng tricycle ang dalawang biktima nang sila ay abangan at pagbabarilin ng mga armado habang padaan sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Kurintem.
Nang makitang napuruhan ang dalawang biktima, mabilis na tumakas ang mga armadong suspek, ayon sa mga saksi.