CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Matapos ang tatlong araw na search and rescue operations sa karagatang dagat ng Kalongkoan Island, naispatan na ang bangkang pangisda subalit nanatiling nawawala ang lulang 15 crew nito, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.
Ayon sa isang opisyal ng PCG, kasalukuyang sinusuri nila ang isang ulat na ang FBCA ZShan fist boat na pag-aari ni Noreen Soronel, kung saan lulan ang mga nawawawalang mangingisda ay namataan sa Palanan, Isabela noong Huwebes.
Pinagsamang elemento mula sa militar, PCG, lokal na awtoridad at maritime team ang ipinadala para magsagawa ng mga serye ng rescue at search operations sa karagatan ng Quezon province.
“Walang mga palatandaan ng labinlimang fish boat crew sa tatlong araw na operasyon, gayunpaman, ang joint forces team ay patuloy na naghahanap upang mahanap ang mga nawawalang tao sa tulong ng air supports ng military air force,” ayon sa PCG.
Magugunita na umalis ang fishing boat na may sakay na 15 crew kasama ang kapitan nito na si Alejandro Mahinay sa Barangay Dinahacan, Infanta para magsagawa ng fishing ground noong Agosto 18.
Iniulat ang insidente sa lokal na awtoridad noong Setyembre 2 at kinabukasan ay iniulat ng may-ari na nawawala ang bangka nang mawalan sila ng kontak sa naturang kapitan ng fishing boat.