^

Probinsiya

Drug queen, 2 pang ‘tulak’ nalambat ng PDEA

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Tatlong hinihinalang drug dealers kabilang ang tinaguriang drug queen ang naaresto matapos silang makumpiskahan ng may P68,000 na halaga ng shabu sa inilatag na entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Miyerkules.

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang nakadetineng suspek na sina Albert Aliudjin Askalani, Nurainie Ilahan, at Benhar Sali Salip Rajid, makaraan silang maaresto sa buy-bust operation sa Bongao.

Ang babaeng suspect na si Ilahan ay kilala umano bilang “drug queen” ng Bongao na konektado sa mga dealers ng shabu sa mga island municipalities ng Tawi-Tawi.

Hindi na pumalag sina Askalani, Ilahan at Rajid nang arestuhin ng mga PDEA-BARMM agents matapos silang bentahan ng P68,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Sanga-Sanga sa isinagawang buy-bust katuwang ang mga ope­ratiba ng Bongao Municipal Police Station at ng Tawi-Tawi Provincial Police Office.

Ayon kay Castro, ang naturang matagumpay na operasyon ay batay sa ulat ng mga kakilala ng tatlong suspects hinggil sa kanilang pagbebenta ng shabu sa Bongao, na siyang kabisera ng Tawi-Tawi, isa sa anim na probinsyang sakop ng Bangsamoro region. 

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with