MANILA, Philippines — Patay ang isang 6-anyos na batang babae habang kritikal naman ang kondisyon ng ina nito nang masagasaan sila ng pampasaherong bus nitong Miyerkules ng gabi sa Calbayog City, Samar.
Idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camillus Hospital sa Calbayog City ang biktimang si Ina, Grade 1 student habang ang ina nito na si Dina, 25, kapwa residente ng Brgy. Tinambacan Norte, Calbayog City ay nasa kritikal na kalagyan.
Batay sa imbestigasyon,nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Maharlika Highway sa Barangay Tinambacan Norte ng nasabing lalawigan.
Nabatid na galing Maynila ang bus at patungong Tacloban City at nang papatawid ang bata at tinangkang iligtas ng ina ay nasalpok sila.
Nasa kustodiya ng Calbayog City police ang driver at ang bus.