^

Probinsiya

6-anyos todas, nanay kritikal sa sagasa ng bus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6-anyos todas, nanay kritikal sa sagasa ng bus
Idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camillus Hospital sa Calbayog City ang biktimang si Ina, Grade 1 student habang ang ina nito na si Dina, 25, kapwa residente ng Brgy. Tinambacan Norte, Calbayog City ay nasa kritikal na kalagyan.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Patay ang isang 6-anyos na batang babae habang kritikal naman ang kondisyon ng ina nito nang masagasaan sila ng pampasaherong bus nitong Miyerkules ng gabi sa Calbayog City, Samar.

Idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camillus Hospital sa Calbayog City ang biktimang si Ina, Grade 1 student habang ang ina nito na si Dina, 25, kapwa residente ng Brgy. Tinambacan Norte, Calbayog City ay nasa kritikal na kalagyan.

Batay sa imbestigasyon,nangyari ang insidente dakong  alas-3:00 ng hapon sa Maharlika Highway sa Barangay Tinambacan Norte ng nasabing lalawigan.

Nabatid na galing Maynila ang bus at patu­ngong Tacloban City at nang papatawid ang bata at tinangkang iligtas ng ina ay nasalpok sila.

Nasa kustodiya ng Calbayog City police ang driver at ang bus.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with