Misis na Legaspi Mayor, sinuspinde ng Ombudsman…
MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi makakabalik sa puwesto si dating Albay governor Noel Rosal makaraang patalsikin sa puwesto ng Office of the Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa kasong Grave Misconduct, Oppression at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service hinggil sa paglilipat ng ilang department heads sa ibang posisyon na paglabag umano sa mga patakaran ng Civil Service Commission na lubhang nakaapekto sa operasyon at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.
Kaugnay nito, sinuspinde naman ng Ombudsman sa serbisyo ng isang taon ang asawa nitong si Legaspi Mayor Geraldine Rosal kaugnay ng umanoy iligal na pagbibigay ng trabaho kay Legaspi City Engineer Clemente Ibo sa Pamahalaang Panlalawigan .
Dulot nito, si Engr Ibo ay nagseserbisyo sa dalawang lokal na yunit ng gobyerno na umanoy paglabag sa batas.