Rider, inanod ng tubig sa spillway, nawawala

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang iniulat na nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig sa spillway ng ilog sa Antipolo City habang lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, kinilala ang biktima na si alyas ‘Jay,’ security guard, at residente ng naturang lugar.

Lumilitaw na dakong alas-6:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa spillway ng ilog sa Brgy. Cupang sa Antipolo City.

Kasalukuyan umanong minamaneho ni Jay ang kanyang kulay pula at itim na Skygo Ex-pect na motorsiklo at papasok na sana sa trabaho nang pagdaan sa spillway ay bigla na lang siyang tangayin ng malakas na agos ng tubig na dulot ng malalakas na pag-ulan, kasama ang kanyang motorsiklo.

 Ilang saksi ang nakakita sa pangyayari kaya’t kaagad itong ­inireport sa mga tauhan ng Barangay Disaster and Risk Reduction Ma­nagement Office (BDRRMO) ng Barangay Cupang, ngunit bigo silang matagpuan ang biktima at ang kanyang motorsiklo.

Show comments