CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nawawala ang isang bangkang pangisda na sakay ng labinlimang tripulante kabilang ang kapitan sa tubig-dagat ng Kalongkoan Island sa Barangay Calotcot, Burdeos, Quezon.
Ang FBCA ZShan fish boat, na pagmamay-ari ni Noreen Soronel, ay umalis na sa Barangay Dinahacan, Infanta para magsagawa ng fishing venture sa pacific fishing ground na may sakay na 15 crew kabilang ang boat captain noong Agosto 18.
Ayon sa ulat ng Coast Guard-Infanta, ang insidente ay iniulat sa lokal na otoridad noong Setyembre 2 at kinabukasan ay iniulat ng may-ari na nawawala ang bangka nang mawalan ng kontak sa kapitan ng bangka si Alejandro Mahinay.
Kinilala ang mga nawawala na sina Alejandro Mahinay, 35,kapitan; mga crew na sina Wendel Lucero, 27; Alan Alicando, 34;Renaldo Labo, 21; Kingjayler Mahinay, 20; Rodrigo Beracis, 46; Randy Carpon, 26; Rogan Beracis, 19;Robert Yanag, 37; Jason William Masato, 24;Edilberto Renegio, 49; Noel Cantela, 48;Alex Balog, 34; Cyril Legaspi, 30;Rolly Rasonable, 40,na pawang residente ng Visayan Village, Barangay Dinahican, Infanta, Quezon.