Obrero dinedo sa pustahan sa taya ng volleyball

MANILA, Philippines — Isang construction worker ang nasawi nang ito ay pagtatagain dahil umano sa taya ng volleyball sa Barili, Cebu.

Sinabi ng biyuda ng biktima na inatake siya ng kanilang kapitbahay habang pauwi sila sa isang matarik at mabatong bahagi ng kalsada.Sumuko naman sa otoridad ang suspek.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang pagtatalo ng biktima at suspek sa pustahan sa volleyball.

Idinagdag pa nito na planong patayin ng suspek ang biktima matapos itong bugbugin ng huli.

Show comments