Ginang dumalo sa party, lunod sa resort

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilala lang sa alyas na “Macel”, may-asawa, residente ng Brgy. Sta Risa Del Sur, sa natu­rang bayan.
STAR/File

PASACAO, Camarines Sur, Philippines — Trahedya ang sinapit ng isang 37-anyos na ginang na dumalo sa birthday party sa isang resort makaraang malunod sa dagat nang subukang maligo sa kabila ng naglalakihang alon sanhi ng hanging habagat at paghagupit ng bagyong Enteng sa Sitio Pongol, Brgy. Balogo, Pasacao, Camarines Sur kamaka­lawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilala lang sa alyas na “Macel”, may-asawa, residente ng Brgy. Sta Risa Del Sur, sa natu­rang bayan.

Sa ulat, alas-4:40 ng hapon, naimbitahan sa isang birthday celebration ang biktima sa isang resort ng naturang lugar.

Matapos makipag-inuman, nagpunta ang ginang sa tabing dagat para lumangoy pero bigla siyang binayo ng naglalakihang alon at tinangay sa gitna dahilan para lamunin siya ng dagat.

Agad namang rumes­ponde ang mga tao sa paligid at walang malay na narekober ang biktima na agad isinugod sa hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments