^

Probinsiya

CAFGU member timbog sa P3.4 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos magbenta ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Tamparan, Lanao del Sur nitong Martes.

Kinumpirma nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang CAFGU member na si Alonto Calauto Pampa, nalambat sa Barangay Talub sa Tamparan sa tulong ng tanggapan ni Gov. Mamintal Adiong, Jr. at ng iba’t ibang unit ng Lanao del Sur Provincial Police Office.

Kusang-loob na nagpaaresto si Pampa nang mahalatang mga anti-narcotics agents ang kanyang nabentahan ng kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, sa entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Talub.

Ayon kay Castro, maliban sa shabu, nakunan din ng isang .45 caliber pistol si Pampa ng mga PDEA-BARMM agents at magkasanib na mga kasapi ng Tamparan Municipal Police Station at Lanao del Sur Provincial Police Office.

Tumulong din sa entrapment operation na nag­resulta sa pagkakaaresto ni Pampa ang 3rd at 7th Scout Ranger Companies ng Philippine Army na nakabase sa Tamparan at ilang bayan sa Lanao del Sur.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with