^

Probinsiya

Babaeng sakay ng trike, hulog sa ilog, patay

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Sa dagat na natagpuan ang bangkay ng babaeng nahulog sa ilog sa Barangay Sampaga, Balayan, Batangas noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Philip­pine Coast Guard, nakita ng mga residente ng Sitio Bakawan, Barangay Mataas na Bayan sakop na ng Lemery ang labi ng babae na palutang-lutang sa baybaying dagat nitong Martes.

Positibo itong kinilala na rin ng kanyang mga kaanak.

Lumalabas na nahulog sa ilog ng Brgy. Sampaga sa Balayan nitong Lunes ng umaga ang biktimang kinilala lamang sa pangalang Analyn. Aksidente siyang nahulog sa binabahang ilog pagkababa sa tricycle na minamaneho ng kanyang live-in partner.

Tinangka pa itong iligtas ng lalaki pero nadulas umano ang babae at nahulog sa ilog at tuluyang natangay ng rumaragasang baha.

vuukle comment

BATANGAS

BALAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with