^

Probinsiya

7 PDEA agents sinibak sa kidnapping, robbery

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang pitong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) sa Regional Office 3 sa Pampanga na isinasangkot sa kidnap- for-ransom sa isang Chinese national.

Nabatid na pawang mga investigation officers ang mga sinibak na kinabibilangan nina Vidal Bacolod, Efren Esteban, Xerxes Angelo Galutera, Jan Alexis Mateo, Froilan Paasa, Renáto Flores, Alex Ramos, PDEA employee at iba pa.

Bukod sa kasong kidnapping, nahaharap din sa patung-patong na kasong serious illegal detention, at robbery ang pitong suspek at ilan pang John Does.

Nag-ugat ang kaso nang magreklamo sa PNP Anti-Kidnapping Group ang biktima na si Jinfu Wang alyas “Simon Wang”, 44, Chinese national at general manager ng isang BPO.

Sa reklamo ni Wang, dinukot umano siya at ikinulong ng mga PDEA agent noong Hulyo 31.

Ayon sa PNP AKG, pinalabas umano ng mga PDEA agents na isang legitimate operation ang isinagawa kung saan nasamsam ng P250,000 halaga ng iba’t ibang party drugs sa suspek.

Hindi pa malinaw kung magkano ang umano’y halagang hinihingi sa ikinulong na dayuhan.

Tiniyak naman ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon,  ang kanilang kooperasyon sa imbestigasyon matapos na irekomenda ang Task Force on Anti-Kidnapping, National Prosecution Service ng Department of Justice ang pagsasailalim sa preliminary investigation ng pitong PDEA agents at ilan pang John Does.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with